Tunay na “contentment”

download

download (1)
credit to the owner of these pictures

 

Awit 73

Ang sumulat ng salmo na ito na si Asaph ay tiyak at may kaseguraduhan sa kanyang puso na ang Panginoon ay tunay na mabuti (v.1). Datapwat, inamin niya sa verse 2 na kamuntik na siyang mahulog sa pagkakasala at tuluyang lumayo sa Diyos dahil sa kanyang inggit na naramdaman sa mga masasama (v.3).

Sabi ni Asaph sa verse 4 to 5, ang mga masasama, wala silang dinadanas na hirap, malakas ang kanilang mga katawan at wala silang karamdaman, hindi nila nararanasan ang mga karaniwang problema na nagpapahirap sa mga tao, hindi nila problema ang araw- araw na gastusin, wala silang inaalalang bayarin sa eskwela o pambili ng maintenance, hindi nila kailangang magtrabaho ng magtrabaho para kumita.

Kaya naman sabi ni Asaph sa verse 6, mayayabang sila at inaapi ang kanilang kapwa. Nagsasalita pa sila ng masasama laban sa Diyos at sa mga tao. Na maging ang mga ibang mamamayan ng Diyos ay sumusunod at naniniwala sa kanila (v. 10). Sabi pa nga nila, “Paano malalaman ng Diyos? Walang alam ang kataas- taasang Diyos” (v. 11).

At marahil sa inis ni Asaph ay nasabi niya, “Ganito ang buhay ng masasama, walang nang problema, yumayaman pa!”

Nagsimula ring kwestyunin ni Asaph ang kanyang pananampalataya.

“Wala bang kabuluhan ang malinis kong pamumuhay at paglayo sa kasalanan?” (v.13)

Sapagkat kabaligtaran ng mga masasama, siya ay dumaranas ng pagdurusa at kahirapan. (v.14)

At kahit saang anggulo niya tignan, oppressive, malupit ang tadhana sa kanya.

Matindi ang issue ni Asaph laban sa mga masasama, subalit ang pinakaugat ng kanyang problema, ay ang kanyang puso.

Inggit, ito ang naging tunay na problema ni Asaph. Inggit sa masagana, carefree o walang problema, o hayahay na buhay ng mga masasama. Ang inggit ay nagmumula sa puso na hindi kuntento at sabi nila ang gamot sa inggit ay makuntento sa kung ano ang mayroon ka.

Ano bang mayroon ka ngayon?

Kuntento ka kasi wala namang may sakit sa pamilya ninyo, hindi mo kailangang mainggit sa kapitbahay mong ubod ng yaman.

Kumakain kayo tatlong beses sa isang araw. Nakakapag- aral ang mga anak. Maayos ang trabaho at pamumuhay ninyo, bagaman simple. Mayroon kang ministry sa church kung saan magaling ka. Nagmamahalan kayong mag- asawa. Masaya ka bilang single, marami ka namang kaibigan at bata ka pa naman. Maganda ang takbo ng career mo, kahit hindi pa mataas ang posisyon mo at di pa kalakihan ang sahod.

Mayroon ka kahit papanu, kahit wala ka nung mayroon sila.

Subalit, sa puntong ito, ay mali ang object ng contentment.

Kasi kapatid paano kung isang araw, tamaan ka ng matinding karamdaman, mawalan ka ng mahal sa buhay, mawalan ka ng trabaho at kabuhayan, maghiwalay kayong mag- asawa kasi walang forever, ang meron lang, forever kang single at ang tanda mo na. Kinailangan kang alisin ng Panginoon sa iyong paglilingkod dahil hindi ka para doon.

Yong mga maliliit at kakaramput na mayroon ka ay wala na rin. Mananatili ka bang kuntento?

Saan nga ba masusumpungan ang tunay na contentment o kaligayahan at satisfaction?

Balikan natin si Asaph, hindi natin alam kung ano ang kahirapang dinadanas niya sa mga panahong isinulat niya ang awit na ito, base sa Salmo (v.14), sinabi niya nagdurusa ako buong araw, bawat umaga ako’y inyong pinaparusahan.

Subalit si Asaph, sa kabila nito, natagpuan niya ang mayroon siya na hindi kailanman mawawala– mananatili hanggang sa walang hanggan–at iyon ay ang Panginoon.

Ang Panginoon, ang makapangyarihang Panginoon, ang lumikha sa tao ayon sa kanyang wangis (Genesis 1:27), siya din ang patuloy na nagbibigay ng buhay sa atin (1 Corinthians 8:6c)–at ang lahat ng ito, ayon sa kanyang salita ay ginawa ng Dios upang hanapin natin siya, upang hanapin natin siya. (Acts 17:26-28)

Nang pumasok ang kasalanan sa mundo at paalisin sa hardin ng Eden ang ating mga unang magulang na sina Adan at Eva ay tuluyan na ring nawalay sa presensya ng Panginoon ang tao.

Ayon sa isang manunulat at siyentipiko na si Blaise Pascal, dati umano ay mayroong tunay na kaligayahan ang tao dahil siya ay nasa piling ng banal na Diyos subalit dahil sa nangyari (pagsuway nina Adan at Eva) ang naiwan na lamang sa atin na mga sumunod sa kanila ay ang bakas ng totoong kaligayahan na pilit na pinupunan at ang pinagmumulan umano ng mga nasa at kahinaan.

Pilit hinahanap ng tao iyon na nagiging sanhi ng discontentment o hindi pagkakuntento.

Subalit, tayo na mga iniligtas na ng Panginoon sa pamamagitan lamang ni Hesu Kristo—gaya ni Asaph, nahanap na natin siya, nang magpakilala siya sa atin at sa kanyang grasya ay nanampalataya tayo.

Tayo ngayon na itinuring na anak ng Panginoon ay tunay na kumpleto na– sapagkat, nasumpungan na natin ang kukumpleto sa ating buhay. Anuman ang ating kalagayan, sa karangyaan man o sa kahirapan ay mayroon tayong kapanatagan sa Panginoon.

Ang lahat ng ating pangangailangan ay ibinibigay ng Panginoon—kaaliwan sa kapighatian, kalakasan sa panahon ng kahinaan, pag- ibig sa mundong puno ng galit, kapayapaan at kapahingahaan, tunay at walang hanggang kaligayahan—tanging ang mga ito ay sa Panginoon lamang matatagpuan.

Mga bagay na hindi maibibigay ng anumang bagay o nilikha sa mundo.

Sino nga ba ang mayroon tayo sa langit kundi ang Panginoon lamang? at sino o ano pa ba sa mundo ang nanaisin natin maliban sa kanya?

Manghina man ang ating puso at katawan, mananatiling ang Panginoon ang ating kalakasan.

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s